"Equations are more important to me, because politics is for the present, but an equation is something for eternity."
Albert Einstein
Wednesday, July 25, 2007 @ Wednesday, July 25, 2007 0 comments

ano major ko..


once upon a time. or maybe twice. nagtake ako my dear brothers and sisters ng online quiz at eto ang lumabas na resulta sa akin. wala lang. she-share ko lang. ayos!


You scored as ,

Physics/Engineering/Computer

88%

Psychology/Sociology

88%

Biology/Chemistry/Geology

69%

Mathematics/Statistics

69%

Education/Counseling

69%

Accounting/Finance/Marketing

63%

PoliticalScience/Philosophy

56%

Religion/Theology

56%

HR/BusinessManagement

56%

History/Anthropology/LiberalArts

44%

Nursing/AthleticTraining/Health

44%

English/Journalism/Comm

38%

French/Spanish/OtherLanguage

38%

Visual&PerformingArts

25%

WHAT MAJOR IS RIGHT FOR YOU?
created with QuizFarm.com


Tuesday, July 24, 2007 @ Tuesday, July 24, 2007 0 comments

uno..


supposedly, i will share something about sociological perspective but then my mind changes. our minds are great manifestation of the absence of permanent experience or events in our not so perfect world. in lieu of having a very permanent views of the world we are always prone to changing our minds. but this "mind" is the atelier of a very important essence of being
a man. ideas. ideas are bulletproof. idea is a powerful tool in surviving a changing culture. whether we incorporate or resist the ideas of other depends on us. it is our ideas that make us unique from other. it is our identification. this is an important element in studying different cultures. may it be popular or high culture, ideology is the key in understanding culture. and ideology itself does not have a single definition. that is how complex our brain works. and this is how we are very distinct from other living creatures. a very complex brain. kaya dapat gamitin ito ng maayos. ok?



Monday, July 23, 2007 @ Monday, July 23, 2007 0 comments

SOW-NUH..


false consciousness. ito ang tawag sa isang certain masking o distortion sa kulturang popular. anu ang ibig sabihin nito? ito'y mga bagay na inaakala nating normal o ayon sa kagustuhan natin pero may nakatagong kakaiba sa likod nito. isang halimbawa. bakit ba tayo nag-aaral? ha? ha? ok. para kumita. bakit natin gusto kumita? tama! para makabili ng mga bagay bagay bukod sa mga pangunahin nating pangangailangan. isa pang dahilan ay upang umangat ang ating antas sa social class. mula middle class, nais natin maging upper class. at sino ang nakikinabang sa paggastos natin? ikaw ba talaga. think again. ang mga kapitalista ang pinakanakikinabang dito mga bata. ang mga nasa upper class. kaya imposible natin maabot ang upper class dahil tayo mismo ang nagpapataas sa kanila. parang tayo ang nagse-set ng mataas na standard sa pagiging upper class. gets niyo? magbigay nga tayo ng halimbawa ng false consciousness. go.




Saturday, July 21, 2007 @ Saturday, July 21, 2007 0 comments

isang sikreto..


pambansang bayani. jose rizal. napakagaling na bayani. isang henyo. pero hindi ba nakakapagtaka kung paano siya naging matalino o INTELEKTWAL. may kwento ang lolo nyo sa inyo mga bata. noong unang panahon. sa isang malayong kaharian (joke lang). si jose rizal ay laging pinagiinitan ng mga bata na kasing edad niya dahil sa kakaibang laki ng kanyang ulo kumpara sa kanyang katawan. bata pa lang siya ay meron na siyang "inferiority complex". ito ang nagtulak sa kanya na magsikap at matuto ng maraming bagay. nagbunga ang kagustuhan niyang matuto ng maganda ang kanyang pangangatawan, isip, at ugali. nga pala sabi ni rizal sa mga nanga-alaska sa kanya (napakabalbal ko naman. hehe.) eh "balang araw magtatayo sila ng monumento para sa akin". galing no. hehe.



@ Saturday, July 21, 2007 0 comments

pagkaing pangkaisipan..


"arrogance diminishes wisdom."

this is according to an arabian proverb. this passage gives us a really important concept or virtue in life. we should not step on other people. we should never ever laugh at their mistakes. never ever. each and every one of us has their strengths and weaknesses. we are human beings. we are all created in God's image. we are prone to committing errors. we are not born perfect. our knowledge should not be used to oppress or hurt others in any ways. I BELIEVE that your arrogance or your boastfulness disqualifies you from being an intellectual person. i myself sometimes is arrogant. i plea guilty with regards to me being an arrogant person. and im very sorry to the people whom i hurt from the past. galit talaga ako sa mga mayayabang. mayayabang na wala sa lugar. galit ako sa mga taong akala mo hindi nagkakamali. i hate them as much as i hate liars. i freaking hate them.



Friday, July 20, 2007 @ Friday, July 20, 2007 0 comments

kwentong barbero..


lahat ng kwento mapa totoo man o kathang isip lamang ay may pinanggalingan. ito ay may pinagbabasehang ideolohiya. karaniwan sa ating kultura, tulad na lamang ng mga pamahiin, ay maaring gawa lamang ng imahinasyon ngunit ito ay may kaukulang pinagmumulan. parang yung movie na the ring zero at hannibal rising.
hindi tayo basta basta nagkakaroon ng konklusyon. ito ay nababase sa isang obserbasyon o eksperimento. isang halimbawa na lamang ay ang kuwentong bayan tungkol sa mga aso. sinsabi nila na nakakakita daw ng multo ang mga aso. at sang lupalop naman ng mundo nila nalaman ito? yes? yes? CORRECT! sa pisika, sinasabi na ang aso ay nakakakita ng "infrared" sa "electromagnetic spectrum" na hindi nakikita ng isang tao(unless werewolf ka di ba?. korni.). ang tao ay maaalalang "visible light" lamang ang nakikita. kaya raw nakakakita ng multo ang mga aso. eh yung cellphone kaya? korni na. hehe.



Wednesday, July 18, 2007 @ Wednesday, July 18, 2007 0 comments

dedikasyon.

dedikasyon. kung may ganito man na salita. kadiri translation ko. hehe.
nagpapasalamat ako sa lahat ng nagbibigay ng ibang kahulugan sa aking mumunting buhay. sa mga kaibigan. kamag-aral noong ako nasa calsci pa lamang. hehe. sa mga guro. salamat sa inyong lahat. salamat sa aking pamilya. FAMILY. Father And Mother I Love You. at dahil extended family ang karaniwang pamilya sa pilipinas kasama na rin si kapatid, lola, tiyong at tiyang. maraming salamat sa pag-gabay sa akin sa buhay na aking tinatahak. (lalim!) mahal ko kayong lahat.

salamat sayo. johnine. kaw talaga ang dahilan kung bakit ko ginawa tong blog na to. im your no. 1 fan. naks! thank you for the strength and support you give to me. i really appreciate it. im willing to make you happy for as long as i live. thank you honey. i love you.

at syempre! kay God. maraming salamat po. kayo po ang sagot sa aking mga katanungan. maraming salamat po talaga.

God bless us all!!

world peace!! (iw.)



@ Wednesday, July 18, 2007 0 comments

4 devices.



eto ang first formal post ko. wala lang picture lang ng 4 devices na ginamit ni Ptolemy sa geocentric model niya. obsolete na sila ngayon. obviously dahil sun naman talaga ang nasa center ng solar system. kaya nga SOLAR system di ba? di naman ako paulit ulit. hehe.



@ Wednesday, July 18, 2007 17 comments

tagboard.

may tagboard na nga pala. pasensya na sa mga fans ko. hehe. kasi di pa nararating ng blog na to ang zenith of success pagdating sa appearance niya. under construction pa to kaya wag maginit ang mga ulo. PERO. don't judge the book by its cover. hehe. pis!



@ Wednesday, July 18, 2007 0 comments

STFU!!!.


WOW. blog. isang manifestation ng advancement ng ating technology through cyberspace. hmmm. isa sa mga marker na nasa age of information tayo mga bata!! (wow profound!)

bakit nga ba ako gumawa ng blog? wala lang. ang hirap kasi matandaan ng mga bagay bagay. tandaan na nasa age of information na tayo at patuloy ang pagpasok ng mga bagong kaalaman. at ang mga kaalamang ito ay maaring makuha sa pamamagitan ng ibat ibang karanasan. experience is the best teacher. dito ko isusulat ang kakaibang adventures ko. hehe. parang komiks. dito ko din ilalagay ang kaunting nilalaman ng makitid kong utak. syempre lahat ng mga article dito ay subject to correction. except ung mga kuwento ukol sa aking buhay. my individual differences tayong tinatawag. so. ayun lang. enjoy. sabaw? (sup? korni ko. hehehe)

thank you honey. i love you.

p.s. stfu - shut the fokemon up. meeeeoooowth that's right!