"Equations are more important to me, because politics is for the present, but an equation is something for eternity."
Albert Einstein
Friday, May 23, 2008 @ Friday, May 23, 2008 1 comments

copy cat..


Random thoughts. Gagamitin ko na lang yung format ni johnine. Hehe. Gaya gaya.

***

Mojo's ass = Bye Bye. Kailangan ko marinig ang paintball sa monday! I'm excited!

***

David Cook won Americal Idol Season 7. Dahil diyan dinownload ko yung mga studio versions ng lahat ng kanta nia sa AI. Nagresearch research din ako kay tungkol kay David Cook like a gay fan at nalaman ko na member pala siya ng isang fraternity. Siyempre hindi TBS ang tinutukoy kong fraternity dito. Dinownload ko rin yung Celebrate Me Home ni Ruben Studdard dahil sabi ni Tito Juancho.

***

Napanood ko na yung Zeitgeist with Mikhail and Johnine. Cool yung sa 9/11 conspiracy pero yung iba skeptic parin ako.

***

May book na pinahiram sa akin si Johnine! Wee! Ngayon na lang ulet ako makakapagbasa ng novel matapos ang WWIII ng Eng12 ko. Happy kasi wala na yung pressure na kailangan ko to tapusin at pagpuyatan at magising ng maaga bukas dahil bawal malate kasi may quiz na 3 items lang. Whew. At isa pa maganda yung book dahil favorite ito ni Johnine. Yesh!

***

Magrereview ako ng kung anu-ano para sa licensure exam ko sa LTO. Good luck Jay.

***

Nakaapat na blog post ako ngayong day na to! Woohoo! Natupad ko ang promise ko kay Johnine without effort! Nag-enjoy pa ako!. Waha!

***

Narealize ko na ang sarap pala maging deep dahil hindi nakakabore ang buhay. Kasi ang dami mong maiisip na relevant higit pa sa mga koreanovelas gaya ng kung paano bulagin ng media nd entertainment groups ang mga tao sa tunay na kalagayan ng ating lipunan. Epekto to ng zeitgeist. Pero matagal na akong aware na TV is the opium of the people. In fact gumawa pa nga ako ng essay about that. Kakaiba yung feeling na naiintindihan mo tong formula na to: Coriolis Force = -2w x m. Nakakaboost ng ego. Yeah pangpayabang nga lang siya. Yun ang sa tingin ng marami. Sa tingin ko lahat ng bagay may gamit. Mahirap at labag sa kalooban ko ang matuto ng hindi ko alam kung para saan yung matututunan ko. Gets? In short, masarap i-apply ang mga bagay na alam mo. Kaya ang sarap meging deep or intellectual. Mayroon ka kasing wide variety of stuff to think about. Ano ichura ng brain ng may multiple personality? Kung magkakaroon ng social consciousness ang lahat ng tao afterwards ano na mangyayari? May Coriolis Effect ba sa mga Particles, and if so ano ang mga consequences nito? Yeah! Make all the gears in your brain work. Huwag masyado seryosohin ang mga hyperrealities gaya ng soap opera.

***

Narinig ko yung sa Pinoy Big Brother tungkol sa underground water cavern. Sinabi pa nung tour guide na 16 million years old na raw ang mga bato dun. Tapos naisip ko lang na hindi ata maaappreciate ng mga housemates yun. Sinabi kasi sa amin yun ng prof ko dati sa Geol eh. Naka raw hindi namin maappreciate yung mga edad ng mga bato. It's the same as hindi nila pagkaappreciate sa mga naguumpugang uranium atoms. Hindi mo talaga maaappreciate lahat ng bagay. Hehe.

***