"Equations are more important to me, because politics is for the present, but an equation is something for eternity."
Albert Einstein
Sunday, July 6, 2008 @ Sunday, July 06, 2008 1 comments

Of Cobwebs.


Whew. It's been a long time. Ang daming araw na nasayang na gusto ko magblog post kaso biglang inaatake ng katamaran. Naalala ko minsan pauwi galing sa school naeexcite na ako magblog post. Pagkauwi ko, dahil sa sobrang pagod hindi na ako nakapagblogpost. Yung pinakavalid na reason is yung pagkakaroon ng hectic na schedule. Sabi na nga ba pangit ang long weekend e. Apat na sunod sunod na araw ng walang humpay na pasakit. Eeew.

Isa sa mga minumokmok ko ngayong sem ay ang pagkakaroon ng chemistry subject. Simula pa noong high school may kakaibang pakiramdam na ako sa chem na yan eh. Parang walang part ng brain ko ang gumagana kapag nagaaral ako ng chem. Lahat ata ng tao ayaw sa chem except sa mga chem majors at chem engg. Isa sa mga natatandaan kong experience ay nung minsan nagsagot ako ng isang chem problem. Nasagutan ko siya ng sobrang bilis tapos nireview ko ulit tapos "BOOM". Hindi ko alam kung paano ko ginawa yun pero tama naman ang sagot ko. Nakakainis kasi ang husay pa ng prof ko. As an individual chemist pero as a professor hindi masyado. Akala niya lahat ng estudyante niya mahilig sa molarity at stoichiometry. Nageexpect siya lagi ng sobrang laki mula sa amin. Bad trip. At eto pa 5 units ang chem kaya 4 hours namin to kinukha every meeting kasa ma na yung lab. HOLY WANTON MAMI! 4 and a half hours of Chem! Dapat eto ang ginagawa sa mga prisoner of war eh. Ilalagay sila sa institute of chemistry ng school namin tapos maglelecture sila for 4 hours. Sigurado makakalimutan nila ang nationalism sa katawan nila.

Okay. Mas maayos na topic naman. Recently ang dami kong napanood ng movie. Itry-try ko i-criticize ang bawat isa bilang isang manonood. Wala kayong pake kung may degree ba ko sa Film and Arts dahil pragmatism ang gagamitin ko.

21. Pinanood nami siya sa widescreen sponsored by Sir Paradao. Cool lang yung card counting techniques. Nagbibigay siya ng kakaibang "view" dahil medyo alien yung culture ng MIT. Dahil sa movie mas lalo kong nagustuhan ang MIT. Hehe. Overall 7/10.

Narnia. Eto sa pirated ko napanood. Action packed siya kaso ayoko ng fantasy adventure na medyo hawig sa style ng harry potter at lord of the rings. Nagbasa din ako ng kaunting info tungkol sa movie. May mga speculations na yung Narnia ay nakapattern sa Bible. Magbasa na lang sa wikipedia kung interesado kayo. 8/10

Iron Man. YEAH! Marvel Comics! UHUH! UHUHUHUHUH! M.I.T. MAN! UHUHUHUHUHUH! Walang dull moments. High Technology. Gold Shhiny Armor. Jericho Rockets. Cool Movie. 9/10

Hulk. Eto ang pinakanakakatakot na movie. Isipin mo nalang isang green monster tumatakbo sayo at 200 kph kasing bilis ng sports car. Tae pakicompute na lang ang momentum. Mas masahol pa to kay Juggernaut eh. Hehehe. Again, magaling na naman si Edward Norton sa pagprotray niya sa mga psycho roles. Maganda pa yung animation kasi well defined. Tapos ang fluid pa ng motion nila. Kaso yung kalaban niya(Abomination) may hawig kay The Thing ng Fantastic Four. Hindi kaya magkapatid sila? Or magpinsan. Or mag-ama?! Corny. 9/10

Hancock. Maganda siya kung maiintindihan mo yung essence ng movie. Masyado siyang malalim. Kelangan muna pagisipan bago magustuhan. 8/10

Kung Fu Panda. Nagcollect ako ng kung-fu panda toys ng McDo. Malamang nagustuhan ko to. Mabilis lang yung pacing ng story kaya enjoy. Tapos nakakatawa pa si Po the Panda. They are no much to his obesity. LOL. 9.5/10

Spirited Away. Eto matagal na tong lumabas. 2002 pa ata. Pero ngayon ko lang napanood. Consistent siya sa top ten greatest animated film of all time. Academy award winner for Best Animated Film. Hindi siya 3D. Parang cartoon lang. At japanese ang creator niya. So parang anime siya. Pero distinct yung design ng characters. Dapat panoorin kasi para sa akin, eto ang THE BOMB! Kakaiba yung movie. Parang alice in wonderland na mas maganda at matalino. 11/10

So. Sana magkaroon ulit ako ng time para gumawa ng blog post. Sana talaga kasi nakakapagdetoxify to. Gagawa muna ako siguro ng equipotential lines at electric field lines para sa Physics. Hanggang sa muli.

Moral Lesson: Kung gusto maging masaya, ang chem ay wag bigyan ng halaga. Kung ayaw tumunganga, manood ng Spirited Away at mamangha.